Ito ang kinumpirma ni PNP chief Oscar Calderon batay sa kanilang imbestigasyon at interogasyon sa anim na miyembro ng Magdalo soldiers na naaresto kamakailan.
Tumanggi naman si Calderon na pangalanan ang sinasabing financier at supporter ng nabigong kudeta noong Pebrero 24 upang hindi mabulilyaso ang kanilang operasyon at pangangalap ng dagdag na ebidensiya.
Napag-alaman ng PNP na ang mga maimpluwensiyang pulitiko ang nagbabayad ng P30,000 na buwanang renta sa ginamit na safehouse nina Capt. Nathaniel Rabonza, 1st Lts. Sonny Sarmiento, Patricio Bumidang, Angelbert Gay, 2nd Lt. Alvin Baldonado at Ltsg. Kiram Sadava sa Filinvest II, QC.
Ayon kay Calderon, sa sandaling mapatunayang may katotohanan ang mga alegasyon sa sinasabing mga pulitiko ay dapat papanagutin ang mga ito sa batas.
Kabilang sa mga posibleng kasong harapin ng mga financier at supporters ng nabigong kudeta ay obstruction of justice, pagkakanlong sa mga pugante at pagpopondo ng kudeta. (Joy Cantos)