Sa testimonya ng biktima, lasing na lasing siya dahil sa anim na ibat ibang uri ng alak na kanyang nainom. Inamin din niya na ilang beses niyang nakasayaw si Smith na nakilala niya sa pamamagitan ng isa ring sundalong Kano, na nobyo ng kanyang stepsister na si Anna Liza Franco, na nangyari nga sa loob ng Neptune Club.
Hindi na umano niya namalayan ang sumunod na pangyayari sa kanya at binalikan na lamang siya ng malay na nasa loob na ng van at nakapatong sa kanya ang isang lalaki na kinilala niyang si Smith. Dito na tuluyang nag-breakdown si Nicole dahilan para itigil pansamantala ang pagdinig at ituloy ngayon. (Lordeth Bonilla)