Sa ipinadalang kopya ng resolution ni Ombudsman Merceditas Gutierrez sa SC, sinabi nito na may matibay na basehan upang sampahan ng kasong graft at masibak sa puwesto ang mga opisyal ng Comelec na nakatalaga sa Bids and Awards Committee na kinabibilangan nina Chairman Eduardo Mejos at mga miyembrong sina Gideon de Guzman, Jose Balbuenas, Lamberto Llamas at Bartolome Sinocruz, Jr., habang ang mga opisyal ng Mega Pacific ay sina Willy Yu, Bonnie Yu, Enrique Tansipek, Rosita Tansipek, Pedro Tan, Johnson Fong, Bernand Fong at Laureano Barrios.
Ipinaliwanag ng Ombudsman na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga nasabing opisyal ng Comelec at Mega Pacific kaya dito nai-award ang pagbili ng automated counting machines na gagamitin sana noong nakaraang May 10 presidential elections.
Gayunman, ipinaliwanag ng Ombudsman na wala pa itong hawak na matibay na basehan upang isulong ang kasong plunder sa Sandiganbayan laban sa mga ito. (Grace dela Cruz)