2 Pinoy hostage sa Nigeria dumating na

Dumating na kahapon sa bansa ang dalawang Pinoy seaman na pinalaya matapos bihagin ng limang araw ng mga pirata sa Nigeria.

Sinalubong ng kanilang mga pamilya sina Joseph Viloria Dotolero, 37, at Pacifico Fresnido Gajo, 36 sa NAIA dakong 4:20 ng hapon.

Sa salaysay ng dalawa, dinala sila sa gubat ng mga pirata at sinabihang pupugutan ng ulo. Inisip umano nila na iyon na ang kanilang katapusan.

Nagpasalamat ang dalawa sa Nigerian government at sa employer nilang Petroleum Geo-Services, Inc. na siyang nakipag-negosasyon sa mga abductors para sa kanilang agarang pagkakasagip mula sa tiyak na kapahamakan. (Ellen Fernando)

Show comments