Ito ang nabunyag sa pagsisiyasat ng Senado na ang kompanyang pag-aari diumano ng isang Sunny Sun ay namuhunan lamang ng P625,000 sa YNN Pacific Consortium.
Nabatid na nabili na ng Malaysian firm Ranhill Berhad ang majority shares ng kanyang kumpanyang YNN Pacific Consortium sa halagang $8 milyon na maikokonsidera sa kasaysayan ng bansa na pinakamalaking kinita ng isang negosyante sa isang bentahan lang.
Sa dokumento ng bentahan ay lumilitaw na walang pera ang YNN at lumilitaw na siya ay isang broker lamang nang sa gayon ay maibenta niya nang mas mataas ang planta.
"Samakatwid ay laway lang talaga ang puhunan ni Sun dahil ayon na rin sa dokumento ng Ranhill ay nasa "pre-operating stage" pa lang ang nasabing kumpanya," ani Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr.
Nakahanda ring papanagutin ng Joint Congressional Power Commission (Powercom) ang PSALM sa intensiyonal na pagpapabaya nito sa trabaho matapos i-extend na naman ang payment deadline ng YNN para bayaran ang upfront payment na $227 milyon.
Dahil dito ay pinayuhan ni Pimentel ang Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corp., ang nangasiwa sa bentahan ng 600MW coal-fired power plant sa Masinloc na ikansela na ang bentahan ngayon dahil sa hindi nito pagbabayad ng $227 milyon upfront fee.
Ayon kay Pimentel, dapat nang kanselahin ang Purchase Agreement sa pagitan ng PSALM at YNN sa kabila ng pagpasok ng Ranhill sa consortium.
Lumalabas tuloy na ang Ranhill ang buyer ng Masinloc gayong hindi naman ito kasama sa bidding. At lumalabas din na dahil sa pagpasok ng Ranhill, ngayon lang magkakaroon na ang isang foreign entity ay magmamay-ari ng isang planta na "imbued with public interest."
Ipinagbabawal sa ba-tas na ang isang foreign company ay puwedeng magmay-ari (100%) ng isang public utilities ka- tulad ng planta ng kuryente dahil ito ay isang public interest at parte ng natio- nal security ng bansa. (Rudy Andal)