Hanggang sa dalhin ng Serbisyo Muna Caravan ang Libreng Tawag sa OFW service ng National Telecommunications Commission (NTC) sa kanilang lugar. Si Gng. Duran ay isa lamang sa daan-daang residenteng nakinabang sa caravan na idinaos sa Navotas Polytechnic College noong Hunyo 9.
Ang NTC ay kabilang sa mga lumahok sa isang araw na caravan, isang pangunahing bahagi ng proyektong Serbisyo Muna ni Pangulong Arroyo.
"Layon ng Serbisyo Muna ng Pangulong Arroyo na makatulong sa ating mga kababayan sa pinakamahusay na paraan. Sa bawat caravan, pinagsusumikapan naming makatulong sa mas maraming mamamayan," wika ni PAGCOR Chairman and CEO Efraim C. Genuino, pangkalahatang tagapamahala ng proyektong Serbisyo Muna.
Sa pamamagitan ng Libreng Tawag sa OFC service, ang NTC ay nagkakaloob ng libreng tatlong-minutong tawag sa ibang bansa at limang-minutong lokal na tawag sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Ang nasabing ahensiya ay nakikipagtulungan sa mga higanteng kumpanya ng telekomunikasyon sa bansa gaya ng Smart at Globe.