Matatandaang nagbanta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at ilang mga conservative groups na magsasampa sila ng kaso sa Ombudsman sakaling ipagpatuloy ng DepEd ang kanilang programa hinggil sa sex education.
Nauna rito, sinabi sa sulat ni Dr. Angelita Aguirre, head of Human Life International, attached agency ng CBCPs Episcopal Commission on Family and Life, na sa kanilang pag-aaral, makakaistorbo lamang sa mga estudyante ang pagdaragdag ng sex education.
Samantala, itinanggi naman ni Hidalgo ang akusasyon na ipinapamulat nila sa mga kabataan ang kaalaman sa pre-marital sex dahil na rin sa gagawing pagtalakay sa sex education lalo na sa mga mag-aaral sa high school.
Paliwanag ni Hidalgo na kahit pa kasama sa reproductive health subject sa curriculum ngayong taong ito naman ay tatalakay sa masamang idudulot ng pre-marital sex. "The goal is to discourage, not encourage the act (pre-marital sex)," saad pa nito.
Subalit pinag-utos ni Hidalgo sa isang memorandum ang pagpapatigil sa pamamahagi ng sex education modules sa mga pampublikong paaralan matapos na makaladkad ang ahensiya sa mga negative feedbacks laban sa nabanggit na programa. (Edwin Balasa)