Si House deputy minority leader Darlene Antonino-Custodio ang kauna-unahang lumagda sa impeachment complaint bago siya umalis patungong Europe.
Sinabi ni Rep. Custodio, tiwala siyang makukuha ng oposisyon sa Kamara ang kinakailangang 79 lagda upang awtomatikong maipadala na nila ang reklamo sa Senado.
Ayon naman kay San Juan Rep. Ronaldo Zamora, namumuno sa impeachment team, isasama nila sa bagong reklamo ang tatlong presidential orders ni PGMA na idineklarang "unconstitutional" ng Korte Suprema.
Kabilang dito ang Executive OIrder 464, Presidential Proclamation 1017 at ang Calibrated Pre-emptive Response (CPR) na pawang idineklarang unconstitutional ng High Tribunal. Muling isasama din sa 2nd impeachment complaint laban sa Pangulo ang nangyaring dayaan noong May 2004 elections at ang P728 milyong fertilizer fund scam.
Naniniwala naman si Sen. Aquilino Pimentel Jr. na posibleng gamitin na naman ng Palasyo ang "powers" nito para hindi magtagumpay ang 2nd impeachment. (Malou Escudero/Rudy Andal)