Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, nagpahayag si del Rosario ng kanyang intensiyon o kagustuhang bumalik na lamang sa pribadong sektor.
Tinanggap naman ni Pangulong Arroyo ang resignation na epektib sa Hulyo 8.
"He leaves government with an exemplary record as a diplomat and public servant. I commend him for his service to the nation and wish him all the best as he returns to his life as a private citizen," pahayag ng Pangulo.
Binigyang pagkilala ng Pangulo ang ipinamalas na kakayahan ni del Rosario upang patatagin ang relasyon at partnership ng US at Pilipinas. (Lilia Tolentino/Ellen Fernando)