Batay sa intelligence report na nakalap ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), target ng panghihikayat na sumapi sa kilusan ang mga 12-17 anyos, babae o lalaki.
Napag-alaman pa kay AFP-Civil Relations Service chief Lt. Col. Oscar Lasangue na napupunta lamang sa armadong pakikibaka ang pork barrel na natatanggap ng mga party-list congressmen at ang malaking bahagi ng nasabing pondo ang pinambibili umano ng armas ng NPA.
Idinagdag pa ni Lasangue na ang mga kilos protesta na inilulunsad ng grupong Bayan Muna, Anakpawis, Anakbayan at iba pang militanteng grupo ay ginagamit na lamang na negosyo at hindi upang atakihin ang gobyerno.
Gaya ng pagbayad sa mga kada taong sasali sa welga ng halagang P100, na sinasabing P20 na lamang ang nakakarating sa mga ito dahil ang ibang bahagi ay naibubulsa na lamang.
Samantala, sinabi ni Lasangue na ang nagaganap na mga pagpatay naman sa mga kabaro ng kilusan ay isa umanong "propaganda."
"This is a propaganda war and a political war, full of deception. They (NPA leaders) kill their colleagues in the underground movement and gain media mileage," pahayag pa nito. (Angie dela Cruz)