Ayon kay Task Force USIG, officer-in-charge (OIC) Director Marcelo Ele, lumutang ang anggulong ito matapos makarekober ang mga imbestigador ng isang sweatshirt na may logo ng Guardians na ginamit umano ng mga killer ni Saksi photo journalist Alberto Orsolino na tinodas sa Caloocan City noong Mayo 16.
Kinumpirma rin ng opisyal na ang suspek na si Rommel Lirazana, isa sa mga itinuturong killer ni Orsolino, ay miyembro ng PGBI.
Aminado naman ang opisyal na maliban sa narekober na sweatshirt ng Guardians ay wala pa silang konklusibong impormasyon na ang grupo nga ang nasa likod ng naturang mga pamamaslang. (Joy