Ayon sa korte, hindi napatunayang nagkasala si Garcia "beyond reasonable doubt" kaya pinawalang-sala ang retiradong heneral kaugnay sa akusasyong sinadya umano nitong hindi isama ang kanyang mga mamahaling sasakyan sa isinumite nitong Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) noong 1999.
Pero may 3 pang perjury cases na hinaharap si Garcia bukod sa plunder case nito kaugnay sa pagkakamal umano nito ng milyon-milyong kayamanan habang nanunungkulan sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala, kinasuhan naman si GSIS president at general manager Winston Garcia ng graft sa tanggapan ng Ombudsman.
Ang nagharap ng graft case kay Garcia at sa GSIS chairman ng board of trustees na si Bernardino Abes ay ang mismong mga empleyado ng GSIS.
Nag-ugat ang kaso sa umanoy P2 bilyong dibidendo mula sa General Insurance Fund na ibinigay umano ng GSIS sa Office of the President noong 2004 at 2005.
Sinabi ni Atty. Albert Velasco, chairman ng Kapisanan ng mga Manggagawa sa GSIS, labag sa batas, imoral at ilegal ang ginawang paghahatid ng GSIS ng pondo sa tanggapan ng Pangulo ng bansa. (Malou Rongalerios/Angie dela Cruz)