P3.2-B inilaan sa LGU projects

Sa isang hakbang para maging maluwag ang kanilang pananalapi para sa mga pangunahing anti-poverty programs, tumanggap ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) ng P3.2 bilyon halaga ng Investment Certificates sa ilalim ng kanilang binago at matagumpay na Monetization of the Internal Revenue Allotment (MIRA) program.

Sinabi ni Binalonan, Pangasinan Mayor Ramon Guico, national president ng LMP, ang mga munisipalidad na bahagi ng Monetization Program ay makakatanggap mula ngayon ng cash na babayaran nila ng pitong installments mula sa Department of Budget and Management.

Ayon kay Guico, ang LMP Monetization Program ay kasunod ng dalawang Supreme Court rulings kamakailan na nagdeklarang unconstitutional ang pagpigil ng national government sa CY 2000-2001 IRA para magbigay karapatan sa LGUs at sa pag-uuri ng pondong ito sa ilalim ng "unprogrammed" appropriations.

Dahil sa desisyon na ito kaya agad inatasan ni Pangulong Arroyo ang DBM para ibigay ang naturang pondo sa LGUs sa pitong annual installments.

Ayon sa Pangulo, bawat local govt. league sa ilalim ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ay may karapatang gumawa ng Monetization Program base sa mga kinakailangang programa para sa kanilang constituents.

Show comments