Ito ay kasunod ng banta kahapon ng DFA at DOJ na ipapaaresto nila at ililipat ng kustodiya ang apat na sundalo sa oras na hindi sumipot.
Ayon kay DFA Secretary Alberto Romulo, mahalaga sa mga akusadong sina Lance Corporals Daniel Smith, Keith Silkwood, Dominic Duplantis at Staff Sgt. Chad Carpentier ang paghahayag nila ng plea sa kinakaharap na kaso.
Sinabi ni Romulo, dapat alalahanin ng apat na US Marines na kaya lamang sila nananatili ngayon sa kandili ng US Embassy ay bunsod lamang ng kondisyon sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Magsisilbing kauna-unahan ang paglutang sa publiko ng apat mula noong sila ay akusahan at ipagharap ng demanda ng isang 22-anyos na Pinay na umanoy kanilang ginahasa sa Subic Bay, Olongapo City noong Nob. 1, 2005.
Sa original na draft ng kaso ng anim ang mga akusado kabilang sina Corey Burris at van driver na si Albert Lara ngunit ngayon ay lumilitaw na si Smith na lamang ang principal suspect habang accessories to the crime na lamang ang iba. (Mer Layson)