Ayon kay Mr. Cortes, hindi lamang ang Right of Way (ROW) ng PNR ang kanyang bibigyang-pansin sa kanyang pag-upo bilang chairman ng nasabing ahensiya kundi maging maayos ang pagpapatakbo sa PNR management.
Aniya, maraming suliraning kinakaharap ang PNR kaya ang pagresolba sa mga problema nito ay hindi kayang lutasin ng mga opisyal lamang kundi sa tulong mismo ng mga empleyado ng PNR.
Magsasagawa ng rehabilitasyon ang PNR sa mga riles nito mula sa $50 milyong loan nito sa Korean Export-Import Bank para sa Manila Southrail project nito.
Nakatakdang bumili din ng 21 bagong Diesel Multiple Unit (DMU) ang PNR na gagamitin para sa Southrail project nito. (Rudy Andal)