Sinabi ni Echiverri na nakatanggap siya ng ulat na dumodoble na umano ang presyo ng mga paninda sa ilang pamilihan sa Kalakhang Maynila, partikular na ang mga isda at gulay, dahil na rin sa mas mataas na pangangailangan ng mga tao rito sa ganitong pagkakataon.
Sinabi niyang sa panahon ng Mahal na Araw ay hindi kumakain ng karne ng baboy at manok ang mga mamamayan bilang bahagi ng kanilang pagtitika at pagsasakripisyo sa paggunita sa paghihirap ni Hesukristo.
Idinagdag pa inaasahan ring sasamantalahin ng ibang manininda ang nakaraang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi pa na maari ring gamitin ng mga mapagsamantalang negosyante ang kasalukuyang sitwasyong pulitikal ng bansa.
Binigyang direktiba rin ni Echiverri ang Market Division na suriin ang mga price tags ng mga paninda upang masigurong ang mga nakalagay dito ay ang tunay na halaga ng produkto.
Ipinaliwanag nito na ang mga residente ang direktang naapektuhan ng mga pagsasamantala ng iilang negosyante.
Siniguro rin nito na sinisikap ng lokal na pamahalaan na ipatupad ang lahat ng batas na pumuprotekta sa mga mamimili.