Jinggoy hinimatay habang nag-aabot ng diploma

Inilipad patungo sa Makati Medical Center si Sen. Jinggoy Estrada matapos na ito’y mag-collapse habang nag-aabot ng diploma sa mga graduates ng isang paaralan sa Alicia, Isabela kahapon kung saan siya ang guest of honor at speaker.

Ayon kay Sen. Estrada, hindi niya alam ang nangyari sa kanya basta bigla na lamang siyang natumba habang inaabot ang diploma sa mga nagtapos na estudyante sa Philippine Normal University sa lalawigan bandang 3:30 ng hapon.

"I don’t know what hit me, bigla na lamang akong nag-collapse habang nag-aabot ng diploma sa graduation rites dito," ang nilalaman ng text message ni Sen. Estrada sa mga mamamahayag ng Senado habang siya ay lulan na daw ng chopper para dalhin sa Makati Medical Center.

May hinala ang mambabatas na sobrang init kaya siya nag-collapse at siguro sa tagal niyang nakatayo habang nag-aabot ng diploma. (Rudy Andal)

Show comments