Sa 5-pahinang desisyon ng panel of prosecutors, hindi kinatigan ang inihaing "motion to dismiss" ng isang Vicente Ladlad ng National Democratic Front (NDF) mula sa kinakaharap nilang kasong rebelyon kabilang ang limang party-list congressmen na isinampa ng Philippine National Police (PNP).
Niliwanag ng DOJ na dapat ay counter affidavit ang inihain ng kampo ni Ladlad para sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya at hindi mosyon na nagbabasura sa kaso. Base sa rules of court, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasampa ng motion to dismiss kapalit ng counter affidavit.
Inatasan si Ladlad na magsumite ng kanilang counter affidavit sa loob ng 5 araw o hindi lalagpas sa Abril 10.
Bukod dito, ibinasura rin ang inihaing motion for inhibition ng kampo ni Ladlad. Nilinaw ng prosekusyon na sila ay independent at objective sa paghawak sa nasabing kaso kaya wala silang nakikitang dahilan upang mag-inhibit sa kaso. (Ellen Fernando)