Ayon sa natanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot na sa apat na Pinoy ang casualties sa tumaob na Al-Dana ferry boat kung saan ay 137 pasahero nito ay 57 na ang kumpirmadong nasawi.
Tumanggi ang DFA na pangalanan ang huling biktima sa boat tragedy sa Bahrain habang ipinapaalam pa sa mga kaanak nito ang kanyang sinapit.
Kinilala lamang ni OWWA welfare officer Venus Bravo ang nasawing Pinay sa pangalang "Susie" na isang kitchen crew sa lumubog na ferry boat. Isa pang Pinay na nagngangalang Nenita Jacob na lulan din ng nasabing barko ang iniulat na nawawala.
Napag-alaman ng OWWA na tanging ang OFW na si Edwin Batacan ang may dokumento mula mga nasawi sa Bahrain.
Darating ang bangkay ni Batacan ngayon lulan ng Gulf Air.
Ang mga nasawi na sina Norman Belardo at Quinne Dungcan ay wala sa documented OFW ng OWWA. (Ellen Fernando)