Ito naman ang binigyang-diin ni Atty. Jose Ricafrente, spokesperson ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas kaugnay ng kanilang pagnanais na maisulong ang peoples initiative na naaayon naman sa Konstitusyon.
Sinabi ni Ricafrente na ang kampanya para sa peoples initiative ay pagkakataon upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko tungkol sa Konstitusyon at mga kinakailangang pagbabago upang mas lalo pang mapabuti ang pamumuhay ng bawat isa at political system ng bansa.
Para naman kay Beth Angsioco, secretary general ng Aksyon Sambayanan, mas nararapat na sundin sa pagbabago ng Konstitusyon ang boses ng bayan at hangad din ng AkSa na mapabuti ang pagbibigay ng pagkain, pabahay, edukasyon at trabaho kaugnay ng pagbabago ng Saligang Batas.