Ayon kay PNP spokesman Sr. Supt. Samuel Pagdilao, inaprubahan na ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao ang requirement quota para sa recruitment ng mga bagong pulis at sinimulan na ng PNP-Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ang pagpoproseso ng mga aplikante para sa Police Officer 1. "Upon the guidance of the President, 15% or 450 recruitment slots are reserved for women who now comprise almost nine percent of the police force," ayon kay Pagdilao.
Ang 3,000 libong pulis ay itatalaga sa mga puwestong binakante ng may 2,900 personnel ng PNP na nagretiro sa serbisyo noong 2005 at iba pang inaasahan namang magreretiro sa unang bahagi ng taong ito. (Joy Cantos)