Ayon kay Teodulo Caranay, mula ng gumamit umano siya ng 14-14-14 fertilizers na gawa ng Swire at 16-20-0 na gawa ng Atlas, sa halip na lumago ay bumaba ang kanyang ani.
Una nang isinumite ng mga magsasaka sa lokal na sangay ng DTI sa Dagupan City, Pangasinan ang reklamo hinggil sa mga fertilizers na gawa ng kumpanyang Swire Agricultural Corp., Phil. Phosphate Fertilizers Corp. at Atlas Fertilizers Corp. na umanoy kulang sa tamang sangkap ng nitrogen, phosphorous at potassium.
Sa isinagawa namang pagsusuri ng Bureau of Soils and Water Management sa naturang fertilizers na gawan ng tatlong nabanggit na kumpanya, natuklasan na kung hindi sobra ay malaki umano ang kulang na kinakailangang kemikal upang tumaba ang lupa.
Kaugnay nito ay nagtataka rin ang mga magsasaka kung bakit nananatiling tahimik sa naturang reklamo ang Fertilizers and Pesticide Authority (FPA) na pinamumunuan ni Dr. Norlito Gicana. (Doris Franche)