Solgen ni GMA nagbitiw!

Nagbitiw kahapon sa puwesto si Solicitor General Alfredo Benipayo sa hindi binanggit na dahilan.

Ang irrevocable resignation ay ginawa ni Benipayo sa pamamagitan ng isang sulat na ipinadala niya sa Pangulo kahapon. Ang kanyang pagbibitiw ay epektibo simula Abril 1, 2006.

Pinasalamatan nito ang Pangulo sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makapaglingkod sa bansa at bilang tagapagtanggol ng karapatan ng mamamayan. Wala pang reaksiyon ang Palasyo hinggil sa naturang pagbibitiw. (Lilia Tolentino)

Show comments