Bunga ng iyakan blues, tinigil tuloy ni Senate President Franklin Drilon ang sesyon kahapon.
Nag-umpisa ang bangayan ng dalawang opposition senators noong nakaraang linggo kung saan sa privilege speech ni Madrigal ay naungkat ang umanoy fake ambush na isinagawa ni Enrile noong martial law. Agad na sinabihan ni Enrile ang senadora na dapat ayusin niya ang akusasyon dahil ang sinasabing "fake ambush" ay nangyari noong umiiral na ang Batas Militar ni Marcos.
Kahapon, muling nagsalita si Enrile at sinabi nito na ang mga kamag-anak ni Madrigal ay "nag-enjoy" noong panahon ng Martial Law at habang nagkakainitan ang dalawa ay hindi napigilan ni Madrigal ang pag-iyak at kinatwiran nito na hindi nakinabang ang kanyang angkan sa mga Marcos, katunayan aniya, ay nalugi ang kanilang negosyo.
Ibinunyag ni Enrile na matagal na silang may alitan ni Madrigal kahit noong magkasama sila sa tiket ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) noong 2001 elections kung saan pareho silang natalo.
Sinabi nito na sinisira ni Madrigal ang kanyang mga posters at muntik na rin siyang mamatay ng maghagis ng pulseras si Madrigal bilang bahagi ng kanyang propaganda campaign. (Rudy Andal)