Ito ang nabatid sa Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas na pinamumunuan ni National Security Adviser Norberto Gonzales kasabay ng pagsasabing isusumite nila ito bukas sa Department of Justice kaugnay ng pagsisimula ng preliminary investigation sa mga partylist congressman.
Aniya, ang mga ebidensiya laban sa mga ito ay bunga ng kanilang tatlong buwang intelligence work. Kasong rebelyon ang isinampa laban sa limang partylist representatives na pinaniniwalaang sangkot sa pagpapatalsik sa Arroyo government.
Ang mga ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng protective custody ng House of Representatives upang makaiwas sa pag-aresto.
Ayon naman kay Atty. Jose Ricafrente, head ng PDSP Legal Department, may sapat silang mga ebidensiya laban sa mga ito at mga saksi na handang tumestigo laban sa mga partylist solons na sangkot sa pagpapabagsak ng gobyernong Arroyo.
Matatandaan na una na ring hiniling ni Gonzalez ang pag-audit sa pork barrel ng mga nasabing kongresista sa posibilidad na ang mga pork barrel nito ay ipinamamahgi na sa ibat ibang grupong komunista. (Doris Franche)