Ayon sa grupo, ang mabilis na pagkakaaresto kay Samuel Lee na sinasabing nasa likod ng ilegal na importasyon ng malalaking shipment ng plastic resin ay dapat na maging basehan para sa Comprehensive Anti-Smuggling Law upang magkaroon ng "ngipin" ang gobyerno para sa kampanya upang malipol ang mga smugglers sa bansa.
Si Lee ay sinampahan ng mga kasong paglabag sa Tariff and Customs Code at panunuhol ng P300,000 sa mga umaresto sa kanyang pulis noong Linggo kung saan ay agad namang nakalaya matapos na makapagpiyansa ng P16,000.
Idinagdag pa ng grupo na dahil walang mabigat na batas para dito kaya wala pa ring malalaking tao sa sindikato ang nakukulong.
Bukod sa smuggling sa mga barko at eroplano, dapat bigyan ng prayoridad ng awtoridad ang oil smuggling na pinangangambahang mas magpapalubog sa ekonomiya ng bansa.