Bitay sa 15 convict pinigil

Bilang pagtupad sa ipinangako ni Pangulong Arroyo na sa ilalim ng kanyang termino ay walang mabibitay, muling pinigil sa ika-6 na pagkakataon ang pagsasagawa ng pagbitay ngayong buwan ng Marso sa 15 death convicts.

Sa isang pahinang memorandum na pinadala ni Executive Secretary Eduardo Ermita kay Justice Secretary Raul Gonzalez, ipinagpaliban ng 90 araw ang pagsalang sa lethal injection sa 15 preso at muling itinakda sa buwan ng Hunyo.

Kabilang sa mga nabigyan ng reprieve sina Ruben Suriaga, Roberto Palero; Filomeno Serrano, Hilgem Soriano, Rogelio Ombreso, Jonel Manio, Danilo Remudo; Alejandre delos Santos, Lucio Untalan, Baltazar Bongalon, Paulino Sevilleno, Fidel Alborido, Salvador Miranda at Ramil Rayos. (Grace dela Cruz)

Show comments