Sa limang pahinang resolution ni Justice Secretary Raul Gonzalez, pinaboran nito ang petition for review na inihain ni Samson Pacasum, BoC collector sa Iligan City na naghain ng kanyang bigamy case laban kay Marietta Zamoranos, Deputy collector for operation sa Manila International Container Port (MICP).
Batay sa record, si Zamoranos ay ikinasal muna kay Jesus De Guzman noong May 3, 1982 sa pamamagitan ng isang Muslim wedding na sinundan ng isang civil marriage noong July 30, 1982, ngunit matapos nito ay kinatigan naman ng Sharia Circuit Court ang kanilang deborsyo matapos ang isang pagsasama.
Makaraan nito ay nagpakasal muli si Zamoranos kay Pacasum noong December 28, 1992 subalit nadiskubre ng huli ang naunang kasal ng kanyang misis na hindi pa pinal na nareresolbahan ng korte ang annulment case nito.
Nilinaw ng DOJ sa resolution nito na kahit pa man napawalang-bisa ang Muslim wedding nito ay hindi pa rin nito napatid ang kapangyarihan ng civil marriage at hindi ito maaaring tawagin lamang na ceremonial affair. (Grace dela Cruz)