Alas-6 kagabi ay ibinaba ng UniOil, Caltex, Shell at Petron ng 50 setimos ang presyo ng kanilang diesel, gasoline at kerosene habang inaasahan namang susunod sa katulad na rolbak ang iba pang kompanya.
Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, ang naganap na pagbabawas ay sanhi ng pagbaba ng presyo ng world oil price ngayong buwan matapos magdesisyon ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na ipagpatuloy ang produksiyon nito mula Abril-Hunyo, 2006.
Sa datos ng ahensiya, ang Dubai crude ay nagbaba ng 76 cents sa kabuuang $57.68 kada bariles ngayong Pebrero habang umabot ito ng $58.44 noong Enero. (Edwin Balasa)