Si Lim na dating chief ng Armys elite 1st Scout Ranger Regiment ay sinibak matapos umanong paghinalaang nakipagkutsabahan para patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo.
Nilinaw ni AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga na inilagay pansamantala si Lim sa kanyang pangangasiwa matapos malaman na ito ay may planong tumiwalag sa Chain of Command.
"There are no formal charges against him but since we knew that he was planning something, we placed him under arrest," pahayag ni Senga.
Sinabi rin ni Senga na siya ay nakatanggap ng report na si Lim ay may plano na makiisa sa mga rally sa paggunita ng ika-20 anibersaryo ng 1986 Edsa People Power noong Biyernes.
Samantala, pinalaya rin si UP Prof. Randy David matapos arestuhin kamakalawa. Iniatras na rin ang pagsasampa ng kasong inciting to sedition laban dito. (Angie dela Cruz)