HK All Stars, Fontana Casino nag-donate ng P2-M sa Leyte landslide

Dalawang milyong pisong halaga ng pagkain at mga gamot ang ipinagkaloob ng Hong Kong All Stars’ Sports Association Ltd. (ASSA) at pamunuan ng Fontana Casino para sa mga biktima ng landslide sa Guinsagon, St. Bernard, Southern Leyte.

Ang ASSA na kilala rin bilang Hong Kong Movie Stars’s Athletic Association ay isang organisasyong nagsusulong sa sports at naglalaan ng pondo para sa kawang-gawa kung saan ay founding member nito si Jackie Chan.

Ang grupo ay kasalukuyang nasa bansa para sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo na gaganapin sa Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga.

Nang malaman ng ASSA ang trahedya sa Leyte ay agad nagpaabot ito ng kanilang tulong gayundin ang Pagcor at Serbisyo Muna project ni Pangulong Arroyo.

Show comments