Nagtungo kahapon si Mrs. Marcos, nakasuot ng itim na terno at itim na sapatos, sa Sandiganbayan upang ipabatid na kinakansela na niya ang kanyang pagpunta sa Hong Kong.
Nais bawiin ni Mrs. Marcos ang inilagak niyang P630,000 na travel bond sa anti-graft court upang itulong na lamang ito sa kanyang mga kababayan sa Southern Leyte na naging biktima ng landslide.
Magtutungo sana ang dating Unang Ginang sa Hong Kong upang subukan ang alternative medicine para sa kanyang sumasakit na tuhod.
"It took me so long to raise my travel bond. Perhaps I can use it to help the people. I informed the court that I will not go to Hong Kong with regard to my knee problem. The Leyte people are a priority over my health," wika pa ni Marcos.
Pinayagan sana ng korte si Mrs. Marcos para sa 14-day travel pass at nakatakda sanang umalis ito noong Pebrero 7 at magbabalik sa Pebrero 21. (Malou Rongalerios)