Ayon sa Pambansang Koalisyon ng mga Samahan ng Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan (PKSMMN), dapat na umanong itigil ni Drilon ang pagsasabi na wala umano siyang interes sa nasabing pondo ng niyugan.
Sinabi ni Efren Villaseñor, PKSMMN chairman, na isa si Drilon sa mga nagtulak para sa implementasyon nito kung saan ito pa ang gumawa ng presidential decree ng coco levy fund noong 1973 habang ito ay nasa ACCRA Law Office pa lamang.
Sa katunayan, ayon pa kay Villaseñor, si Drilon ay konektado umano sa First Meridian Development, isa sa 14 holding companies ng coco levy-funded Coconut Industry Investment Fund ng San Miguel Corp.
Umalma din sa naturang usapin ang Liga ng Magniniyog at Pambansang Kilusan ng mga Samahan ng Magsasaka.