Ayon sa kilalang securities analyst na si Astro del Castillo, managing director ng First Grade Holdings, ang pagkakaantala sa implementasyon ng EO 474 "ay nakakaapekto at nagdudulot ng patuloy na pangamba at agam-agam sa industriya ng enerhiya."
Ipinaliwanag niya na ang mga agam-agam hinggil sa pundamental na batayan ng industriya ay nagdudulot ng pressure sa stock market na mas pinatingkad ng mabagal na pagsasapribado ng Napocor at iba pang energy generation resources ng pamahalaan.
"Its about time that the government acts decisively and address the problem head on," aniya at idinagdag pa niya na malaki ang maitutulong ng EO 474 upang mabawasan ang pangamba sa power sector.
Hindi ipinatupad ng Palasyo ang EO 474 matapos umangal si Energy Sec. Raphael Lotilla na maaring matapakan nito ang mga gawain ng kanyang departamento.
Una nang nanawagan pabor sa EO 474 ang People Empowerment and Truth, Independent Philippine Petroleum Companies Association of the Philippines, Pasang Masda at Piston. (E.Balasa)