Ayon sa Lakas ng Magsasakang Pilipino at Aksyon Sambayan, ang investigating panel na binuo ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ay hindi dapat pumanig kaninuman at hindi dapat protektahan ang mga sangkot na opisyal.
Sinabi rin nina Ali Asis, pangulo ng LMP at AkSa spokesperson Jorge Azuelo na samantalang sobra-sobra ang ebidensiya ng Commission on Audit, ang pagkakaantala ng imbestigasyon ay indikasyon na may nais silang protektahang opisyal.
Matatandaan na kinumpirma ng COA auditors na overprice ng P127 milyon ang fertilizer na binili sa ilalim ng Ginintuang Masaganang Ani program ng Department of Agriculture. Bukod dito, isiniwalat din ng COA auditors, ang anomalya sa bidding at purchase documents at non-existent liquidation reports.
Lumilitaw din sa report ng COA na may 100 congressmen, 53 governors at 26 mayors ang tumatanggap ng fertilizer allocations. (Doris Franche)