Logging permit pinakakansela
Hiniling ng mga residente ng lalawigan ng Agusan del Sur kay Pangulong Arroyo ang pagpapatupad ng logging permit ng isang paper company bunga ng umanoy illegal activities nito. Sa liham na ipinadala ng Aksyon Sambayanan sa Surigao del Sur kay Pangulong Arroyo, inakusahan ng grupo ang kumpanya na lumabag sa industrial forest management agreement sa DENR. Patuloy umano ang logging operation ng nasabing kompanya bagamat tinanggal na mula sa orihinal na logging concession area ang 75,545 ektarya na kasama sa Timber Licensing Agreement (TLA). Lumalabag din umano ito sa RA 8371 o Indigenous Peoples Right Act bunga ng pagpuputol ng puno na may ancestral domain area na sumasakop sa 17,112 ektarya. Lumilitaw na hindi rin nagbabayad ng forest charges ang naturang kompanya na umaabot na sa P300M.