Ang pahayag ay kasunod ng pagpapalawig ng Pangulo sa kautusan kaya walang dumalong mga opisyal ng Budget department sa isinagawang pagdinig kahapon. Kinansela rin ang imbestigasyon ng Hello Garci dahil walang sumipot na opisyal ng gobyerno. Sinabi ni Sen. Santiago, dapat ay umiral ang inter-department courtesy sa pagitan ng executive at legislative branch ng gobyerno at ayusin na agad ng SC ang kinukuwestiyong EO 464 upang maiwasan ang posibleng awayan o giyera.
Ani Santiago, labag sa Konstitusyon ang pagpapatupad ng EO 464 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa anumang congressional inquiry kapag walang pahintulot ng Pangulo upang makaiwas sa paggisa ng mga senador at kongresista. (Rudy Andal)