Sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, chairman ng Legislative Oversight Committee on VFA, tiniyak sa komite ni US Charge d Affaires Paul Jones na dadalo ang apat na sundalo sa sandaling ipatawag ang mga ito ng korte kaugnay ng kasong panggagahasa na isinampa ng isang 22-anyos na Pinay.
Hiniling ng komite kay Jones na dapat maging patas ang US government sa pakikitungo sa Pilipinas kaugnay sa mga probisyon sa VFA partikular sa custody issue tulad ng naging kasunduan nito sa ibang bansa.
Dahil dito, sinabi ni Sen. Gordon na wala ng dapat ipangamba ang US officials na maaresto pa ang kanilang mga sundalo matapos bawiin ng korte ang ipinalabas nitong warrant of arrest laban sa mga ito.
Nakasaad sa VFA na dapat matapos ng korte ang kaso sa loob ng isang taon. (Rudy Andal)