Appointment ni Reyes haharangin

Planong harangin ng militanteng grupong Bayan Muna ang nominasyon ni Environment and Natural Resources Sec. Angelo Reyes bilang pagtutol sa pagkakahirang sa kanya sa puwesto. Ayon kay Rep. Jose Virador ng Bayan, tututulan nila ang pagtatalaga kay Reyes sa DENR dahil sa kalamidad na naganap sa Mt. Diwalwal at kawalan niya ng karanasan sa pangangalaga ng kapaligiran.

Noon anyang si Reyes ang pinuno ng National Resource and Management Development Council responsable ito sa pagtatayo ng mga military detachment na naging daan para ang komunidad malapit sa Mt. Diwalwal ay maging isang military garrison sa Mindanao, ani Virador. (Lilia Tolentino)

Show comments