Terrorists groups tugisin, peace talks ituloy

Malaki ang paniniwala ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) at Aksyon Sambayanan na makatutulong ng malaki sa political system ng bansa ang patuloy na pagtugis sa mga terrorist group at maging ang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan.

Ayon sa PDSP, hindi dapat na itigil ng pamahalaan ang kanilang pagkilos upang sugpuin ang mga terrorist group na kinabibilangan ng Abu Sayyaf, Jemaah-al-Islamiya at ang Raja Solaiman Revolutionary Movement.

Anila, kadalasan umanong naaapektuhan ang bansa bunga ng mga nagaganap na karahasan dulot ng mga terrorist group na ikinadadamay ng mga inosenteng sibilyan. Sakaling magapi ang mga teroristang grupo, mas lalakas ang political system ng bansa na magdudulot ng pag-unlad ng Pilipinas.

Kaugnay nito, kailangan din umano pagtuunan ng pansin at oras ang peace talks sa CPP-NPA at National Democratic Front upang tuluyan nang magkaroon ng pagkakaisa. (Doris Franche)

Show comments