Ito naman ang inihayag kahapon ni NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal kung saan inamin nito na inalok na nila ang grupo ng mga Magdalo mutineers na makipag-alyansa sa kanila.
Ayon kay Rosal, ang kanilang alok ay bunsod na rin ng pagnanais na mabigyan ng sanctuary rebel-controlled territories ang apat na pugante na sina 1Lts. Sonny Sarmiento, Patricio Bumindang, Lawrence San Juan at Capt. Nathaniel Rabonza.
Gumagawa umano sila ng paraan upang makausap ang apat at matalakay ang mga posibleng points of unity, alliance, cooperation at maging ang joint o cooperative projects laban sa administrasyong Arroyo.
Subalit ayon sa Armed Forces of the Philippines, malayong maganap ang sinasabi ng NPA na pakikipag-alyansa ng mga puganteng Magdalo sa kanila.
Ayon kay AFP-PIO chief Tristan Kison, bagamat pumuga ang apat na Magdalo ay nananatiling magkaiba ag kanilang paniniwala at prinsipyo.
Sa ngayon ay patuloy na nangangalap ng impormasyon ang kanilang intelligence units upang matukoy ang pinagtataguan ng apat na pugante.
May susundin din silang procedure sakaling manlaban ang mga ito subalit ito ay naaayon anya sa batas.
Maliban sa apat, patuloy din ang pagtugis kay Marine Capt. Nicanor Faeldon na umanoy makailang ulit nang nagpalabas ng kanyang larawan sa website sa ginagawa nitong pagpasok sa lugar ng military at pulisya.