Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang naturang kautusan ay bilang patunay na determinado ang binuong Anti-Illegal Gambling Task Force na malipol ang lahat ng uri ng illegal numbers game partikular ang jueteng.
Binigyang-diin ni Bataoil na wala siyang pakialam kung masibak man ang mga opisyal ng PNP bastat ipatutupad nil ang one-strike policy kontra jueteng.
Kamakalawa ay tinamaan ng one-strike policy ang hepe ng Gen. Trias, Cavite na si C/Insp. Conrado Gongon matapos na makahuli ang mga ito ng mga bet collector at kabo sa isinasagawang operasyon sa nasabing bayan. (Joy Cantos)