Nabatid mula kay Olongapo Prosecutor Prudencio Jalandoni, ngayon na ipapalabas ang resolusyon sa kaso at bago mag-alas-11 ng tanghali ay kailangan na nilang isampa sa Olongapo Regional Trial Court ang kaso upang mai-raffle sa kung kaninong sala ng hukom mapupunta.
Apat lamang sa anim na sundalong Amerikano ang kakasuhan at pang-lima si Timoteo Soriano, ang unang nagsilbing testigo subalit nabigong makipagtulungan at sumipot sa preliminary investigation ng piskalya.
Kabilang sa US servicemen na sasampahan ng rape sa korte sina Daniel Smith, Keith Silkwood, Dominic Duplantis at Chad Carpentier.
Samantala, sinabi ni Jalandoni na walang nakitang matibay na ebidensya upang isangkot sa kaso sina Albert Lara at Corey Barris. (Grace dela Cruz)