Sinabi ni Parañaque Rep. Roilo Golez na hindi dapat isisi ni Kwok sa mga mamamahayag kung hindi binibigyan ng pansin ng media ang mga achievements ng gobyerno laban sa korupsiyon.
Nauna ng inihayag ni Kwok sa isang press conference na ang pagkakasama ng Pilipinas sa pinaka-corrupt na bansa ay hindi scientific dahil ibinase lamang ito sa perception o pananaw na ang pinagmulan ay ang media.
Ayon naman kay Golez, hindi dapat ang media ang sisihin ni Kwok sa negatibong pananaw sa Pilipinas dahil hindi naman ito ang reponsable sa mga naging kapalpakan ng gobyerno.
Idinagdag pa ng kongresista na hindi ang media ang may kasalanan sa conscienceless planning execution ng multi-billion fertilizer fund scam; Garci tape scandal at pagtaas ng kaso ng kidnapping at carjacking nitong 2005. (Malou Rongalerios)