Tatlong senior justices ng Korte Suprema ang inirekomenda ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Arroyo upang maging kapalit ni Davide na kinabibilangan nina Associate Justices Reynato Puno, Artemio Panganiban at Leonardo Quisumbing.
Pinarangalan at pinuri ni Mrs. Arroyo ang nagretirong chief justice dahil sa huwaran nitong paglilingkod, katapatan at pagpapairal ng patas na batas.
"We share the publics recognition and high regard for him for setting the standard for the judiciary as an examplar of upright conduct in clear view of everyone, and profound wisdom that touches all, rich or poor, young or old," dagdag pa ni Mrs. Arroyo.
Ipinamamadali naman ng mga kongresista kay PGMA ang pagpili ng magiging kapalit ni Davide bilang pinuno ng Supreme Court.
Sinabi nina Eastern Samar Rep. Marcelino Libanan at Zamboanga del Sur Rep. iIidro Real, dapat igalang ng taumbayan kung sinoman ang mapili ng Pangulo bilang kapalit ni Davide. (Lilia Tolentino/Malou Rongalerios)