Nagtampo ang mga Senate reporters sa tanggapan ni Sen. Santiago dahil sa harapang diskriminasyon na ipinakita nito sa mga mamamahayag nang bigyan niya ng mga groceries ang mga reporter ng broadsheet, radyo at TV habang pastillas, toasted bread, broas, apa at turones naman sa mga tabloid at ilang broadsheet reporters.
Bagaman naniniwala ang ilang reporters na maaaring hindi alam ng senadora ang naturang pamamahagi ng regalo ay tinukoy nila ang isang Aileen Toribio na media relation officer umano ni Santiago na siyang namahala sa pamimigay ng regalo.
Anila, hindi naman sila namimili ng regalo ngayong Pasko pero huwag naman daw sanang ipamukha sa kanila ng harap-harapan na may tinititigan at kinikilingan ito pagdating sa bigayan ng regalo dahil patas naman anya sila pagdating sa pagbabalita. (Rudy Andal)