Base sa Memorandum na ipinalabas ni Executive Secretary Eduardo Ermita at ipinadala kay Justice Secretary Raul Gonzalez, nakasaad na ipinagpapaliban pansamantala ang paghatol ng kamatayan man o bitay sa mga convicted prisoners na sina Rogelio Ombreso at Jonel Manio na kapwa binigyan ng bagong execution date na Marso 13, 2006; Danilo Remundo, Alejandre delos Santos, Lucilo Untalan, Baltazar Banalon, Fidel Alborida at Paulino Sevilleno na binigyan ng execution date na Marso 20, 2006 habang sina Salvacion Miranda, Ramil Rayos, Castro Geraban at Ruben Suriaga na may execution date na Marso 27, 2006.
Samantala, sa isa pang memo na ipinalabas naman ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ay binigyan naman ng panibagong execution date sina Roberto Palero, Filomeno Serrano at Hilgem Nerio ng Marso 6, 2006.
Layunin ng pamahalaan na bigyan pa ng pagkakataon ang mga presong ito na makasama ang pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon kahit man lamang sa huling sandali. (Lilia Tolentino)