Nabatid kay Carlo Cleofe, coordinator ng Task Force Detainees of the Philippines, kumikilos ngayon ang "Pagkakaisa ng mga Bilanggong Pulitikal Laban kay Arroyo" para makilahok sa krisis pulitika na kinakaharap ng bansa dahil sa "Hello Garci" scandal.
"Nakikiisa kami sa hangad ng nakararami na malaman ang katotohanan sa naganap na dayaan sa halalan sa pagkapangulo. Walang moral na sandigan ang isang pamahalaan na naluklok sa pamamagitan ng pandaraya," nakasaad sa statement record ng political detainees.
Ayon sa grupo, ang political crisis ay mareresolba lamang kapag nasusugan ang publiko na magpotesta para igiit ang pagpapababa kay Arroyo upang mapalitan ang takbo ng administrasyon.
Ang coalition ay binubuo ng 25 bilanggo sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City na pamumunuan ni Juanito Itaas at Orlando Bondalian. Si Itaas ay bumubuno ng life sentence sa pagpatay kay Col. James Rowe noong 1988 habang si Bondalian ay nakahanay sa death row sa pagpatay sa isang negosyante. (Lordeth Bonilla)