Ang water service interruption ay magbibigay-daan sa pagdurugtong-dugtong ng bagong gawang crossover pipe sa existing 600mm S.P. mainline sa Zapote bridge na tumatawid sa Zapote Road, Las Piñas-Bacoor boundary.
Ang maaapektuhan ng 16-oras na pagkaantala ng tubig ay ang mga sumusunod:
Sa Bacoor: Bgy. Longos; Bgy. Zapote I, II, III at IV; Bgy. Aniban; Bgy. Aniban II (Tabing-Ilog); Bgy. Talaba I, II, III, IV, V, VI at VII; Bgy. Panapaan I, II, III, IV at V; Bgy. Niog; Bgy. Maliksi I, II at III; Bgy. Kaingin; Bgy. Digmaan; Bgy. Daang Bukid; Bgy. Campo Santo; Bgy. Banalo; Bgy. Alima; Bgy. Tabing Dagat; Bgy. Sineguelasan; Bgy. Dulong Bayan; Bgy. Habay I; Bgy. Mabolo I, II at III; Bgy. Real; Bgy. Salinas I at II.
Sa Imus: Bgy. Palico I, II at III; at Bgy. Medicion.
Makararanas naman ang Bgy. Binakayan sa Kawit ng mahinang daloy o di kaya ay kawalan ng tubig.
Samantala, magkakaroon din sa Martes, Nobyembre 29, mula 10-11 ng umaga, ng mahinang pagdaloy o di kaya ay kawalan ng tubig sa Upper Maligaya, Caloocan, at sa Filinvest II, Bgy. Silangan at matataas na bahagi ng Sacred Heart, Quezon City, dulot ng pagkakabit ng Power Factor Capacitor Bank sa La Mea Booster Pumping Station.
Pinapayuhan ang mga apektadong consumer na mag-imbak ng tubig na tatagal nang 16-oras. Maaari ring tumawag sa Maynilad Water Hotline 1626 o mag-text sa SMART 7001-626 para sa water-rationing schedule.