Tapyas sa tax, solusyon sa kahirapan — Recto

Iginiit ni Sen. Ralph Recto na bawasan ang buwis ng mga minimum wage earners bilang solusyon para mabawasan ang paghihirap ng taumbayan dahil na rin sa paglobo ng mga presyo ng bilihin sa bansa.

Aniya, ang Family Living Wage sa Metro Manila ay P684 bawat araw habang ang umiiral na sahod dito ay P325 lamang.

Sa kanyang Senate Bill 1917, sinabi ni Sen. Recto na ang sumasahod ng P10,000 pababa ay 3.5%, ang lampas P10,000-P30,000 ay 7%; mula naman sa P30,000 pero di aabot sa P70,000 ay 10.5%; ang hindi lalampas ng P140,000 ay 14%; ang hindi aabot sa P250,000 ay 17.5%; ang aabot sa P500,000 ay 25% at ang lampas sa P500T ay 34%.

Layunin din ni Recto na tuluyan ng tanggalin ang buwis sa mga sahod na hindi aabot sa P10,000 kada buwan. (Rudy Andal)

Show comments